BPATs, nakiisa sa rescue operation
Nakiisa ang Barangay Peacekeeping Action Teams sa pagpapamalas ng mabilis at koordinadong pagtugon sa mga pangangailangan ng komunidad sa Barangay Ambiong, La Trinidad, Benguet noong ika-25 ng Hulyo 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng La Trinidad Municipal Police Station kasama ang Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) na pinamumunuan ni Punong Barangay, Hon. Frederick Tao-ing.
Matagumpay na sinagip ang isang pamilya ng mga lumikas, kabilang ang isang may kapansanan (PWD), mula sa Sitio Paltingan patungo sa Evacuation Center.
Layunin ng aktibidad na isulong ang pagtutulungan anumang oras at pagkakataon upang matugunan ang agarang pangangailangan at mapabuti ang kalagayan tungo sa mas maaasahang Bagong Pilipinas.