Mushroom production at cultivation, isinagawa sa Bulan, Sorsogon

0
viber_image_2026-05-28_15-39-21-918

Isinagawa noong Mayo 25, 2026 ganap na alas-10:00 ng umaga ang isang makabuluhang pagsasanay ukol sa Mushroom Production and Cultivation sa Barangay Calpi, Bulan, Sorsogon.

Pinangunahan ang pagsasanay ng mga tauhan ng Sorsogon 2nd PMFC Revitalized-Pulis Sa Barangay (R-PSB) Team Calpi sa pangunguna ni PCpl Mark Louie Joseph B. Barrameda, katuwang si Hon. Chezka Mae Ballesteros-Ng, Bise Alkalde ng Bulan, at ang Sorsogon Dairy Farm.

Dinaluhan ng mga miyembro ng Calpi Women’s Association ang nasabing pagsasanay kung saan itinuro ang wastong paraan ng produksyon, pagtatanim, at pag-aalaga ng kabute bilang alternatibong pagkakakitaan.

Layunin ng programa na mabigyan ang mga kababaihan ng karagdagang kaalaman at kabuhayan upang makatulong sa kanilang pamilya at komunidad.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga kalahok sa mga nagsagawa ng aktibidad dahil sa oportunidad na matuto ng isang makabagong hanapbuhay na maaaring maging pangmatagalang pagkakakitaan.

Patuloy namang isinusulong ng mga lokal na opisyal at kapulisan ang mga programang pangkabuhayan na naglalayong mapaunlad ang pamumuhay ng mamamayan at mapalakas ang samahan sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *