Sultan Kudarat Advocacy Support Groups nakilahok sa Community Outreach Program
Masigasig na nakilahok at naghatid ng tulong ang mga miyembro ng Sultan Kudarat Advocacy Support Group at iba pang mga volunteers sa isinagawang Outreach Program sa Sitio Kibaybay, Barangay Kisek, Palimbang, Sultan Kudarat nito lamang ika-13 ng Marso 2023.
Matagumpay na naisakatuparan ang naturang programa bunga ng pagtutulungan ng mga kawani ng Palimbang– ELCAC, 37th Infantry Batallion ng Philippine Army, Barangay Local Government Unit, Palimbang PNP at sa patuloy na suporta ng mga miyembro ng advocacy support groups.
Nasa mahigit 100 indibidwal naman ang naging benipisyaryo ng Libreng Gupit, Medical Assistance, Feeding Program at Food Packs.
Nagkaroon din ng maikling talakayan tungkol sa mga programa ng National Task Force End Local Communist Armed Conflict na naglalayong tulungan na makapag balik-loob ang mga nalinlang at natitira pang miyembro ng mga komunistang grupo.
Giit naman ng mga naturang grupo na patuloy itong maghahatid ng tulong sa mga mamamayan na lubos na nangangailangan upang maipadama ang tunay na pagmamalasakit at pagmamahal na hatid ng gobyerno.