CICL at CAR, nakiisa sa Values Formation Advocacy on RA 9344 and other Related Laws Seminar
Nakiisa ang mga Children in Conflict with the Law(CICL) at Children at Risk(CAR) katuwang ang kanilang mga magulang sa isinagawang Values Formation Advocacy on RA 9344 and other Related Laws Seminar nito lamang Setyembre 14, 2024.
Ang pagtitipon na ito ay ginanap sa Barangay Casig-ang, Sto. Tomas, Davao del Norte at pinangunahan ng Sto. Tomas Municipal Police Station sa aktibong suporta ng lokal na pamahalaan. Ang talakayan ay nakatuon sa mahahalagang probisyon nv Republic Act 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act, Republic Act 7610 o Specual Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act at iba pang kaugnay na batas para sa proteksyon ng mga bata at kabataan.
Ang seminar ay isinagawa upang itaas ang kamalayan tungkol sa mga special laws na napapanahon para sa mga bata sa isiping ito ay magsisilbing gabay sa kanila kung ano ang mga bagay na dapat iwasan at bilang paalala sa kanilang mga tungkulin bilang indibidwal at bilang miyembro ng komunidad.