BPATs, aktibong nakiisa sa Project Juana

Aktibong nakiisa ang Barangay Peacekeeping Action Team sa isinagawang project Juana na ginanap sa Tubongan, Calanasan, Apayao nito lamang ika-12 ng Setyembre, 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Apayao Police Provincial Office katuwang ang Provincial Local Government of Apayao na nilahukan ng mga Barangay Officials, BPATs at residente sa nasabing lugar. Itinampok sa aktibidad ang pamimigay ng libreng T-shirt, Foods and snack at pagtalakay ng RA 8353 o Rape, VAWC, Health awareness na naglalayong maghahatid ng impormasyon at karagdagang kaalaman sa para sa kanilang kaligtasan at kapayapaan.

Ang Proyektong Juana ay isang programa ng Pambansang Pulisya tungkol sa pagpapalakas, pag-oorganisa, at pag-mobilisa ng mga kababaihan at sa sektor ng LGBTQ, partikular sa mga kinikilalang marginalized na sektor sa ilang komunidad na naapektuhan o nasa panganib na mga sitwasyong dulot ng insurhensiya, kriminalidad, ekstremismong karahasan, at iba pang anyo ng karahasan batay sa kasarian. Katuwang ang pamahalaan, ang Pambansang Pulisya ay tuloy-tuloy sa pagsasagawa ng mga proyekto at aktibidad na tutulong sa mamamayan saan man upang tuldukan ang paglaganap ng krimen sa kanilang nasasakupan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *