3rd Quarter Mass Blood Donation Activity, isinagawa sa Sarangani Province
![](https://lingkodbayanblog.com/wp-content/uploads/2024/09/459086066_1076316630765374_888882731775530218_n-1024x683.jpg)
Matagumpay na isinagawa ang 3rd Quarter Mass Blood Donation Activity para sa taong 2024 na may temang “20 years of Celebrating Giving: Thank You Blood Donors!” sa Female Area, SOCCSKSARGEN Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center, Purok 4, Barangay Kawas, Alabel, Sarangani Province nito lamang Sabado ika-14 ng Setyembre 2024.
![](https://lingkodbayanblog.com/wp-content/uploads/2024/09/457874427_397468286716815_1176288527549468785_n-1024x683.jpg)
Nakiisa sa bloodletting activity ang mga tauhan ng Sarangani Police Provincial Office sa pamumuno ni Police Colonel Deanry R Francisco, Provincial Director.
Layunin ng aktibidad na ito na magkaroon ng sapat na supply na dugo ang mga hospital upang mabilis ang pagbibigay nito sa mga taong nangangailangan. Kaisa ang kapulisan sa bawat pagdodonate ng dugo. Hinihikayat naman ang iba regular na magdonate ng dugo para sa ating kalusugan at upang makatulong sa ating kapwa. Panulat ni Bambam