Force Multiplier, nakiisa sa Symposium Activity

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Force Multiplier sa Symposium Activity na ginanap sa Pamplona, Negros Oriental noong ika-14 ng Setyembre 2024.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Pamplona Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Marve D Bolay-og. Tinalakay sa pagsasanay ang mga mahahalagang paksa tungkol sa VAW-C, Anti-Rape Law, Anti-Terrorism, at Anti-Illegal Drugs.

Ang pagbibigay-diin sa mga batas na ito ay mahalaga upang maprotektahan ang mga mamamayan laban sa iba’t ibang uri ng krimen at pang-aabuso, isang aksyon na sumasalamin sa layunin ng Bagong Pilipinas na magkaroon ng komunidad na ligtas, patas, at may pagkalinga sa bawat mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *