Advocacy Support Group, nakiisa sa Bamboo Tree Planting sa Samar

Nakiisa ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa isinagawang Tree Planting Activity kaugnay sa Philippine Bamboo Month sa Brgy. Tenani Paranas Samar nito lamang Setyembre 17, 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources sa pangunguna ni Forester Arnold Morallios, Conservation and Development Section Chief sa pakikipagtulungan sa Palawan Pawnshop kasama ang Barangay Local Government Unit, Paranas Civil Society Organizations Federation, 2nd Samar Mobile Force Company, BFP Paranas, Paranas MPS, Torpedo Association at TUPAD beneficiary ng nasabing barangay.

Ang Philippine Bamboo Month na may temang Buhay Kawayan: Haligi ng Industriya’t Kalikasan, Pag-asa ng Kinabukasan”, sa ilalim ng PD No. 1401 na may petsang Hunyo 27, 2022 na nagdedeklara sa Setyembre bilang Bamboo Month bawat taon.

Ang sama-samang pagsisikap ay hindi lamang nagpapalakas sa pangako ng komunidad sa pangangalaga sa kapaligiran ngunit nag-aambag din sa pagpapanumbalik ng ating mga kagubatan, pagpapaunlad ng biodiversity at paglaban sa pagbabago ng klima.

Sa bawat itinanim na kawayan, pinangangalagaan natin ang pag-asa para sa mas luntian at malusog na kinabukasan para sa mga susunod na henerasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *