BPATs, patuloy ang pagmamanman sa Baybayin ng Balaoan

Nagsagawa ng masinsinang pagmamanman sa baybayin ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATS) katuwang ang Balaoan Police Station sa Brgy. Paraoir, Balaoan, La Union nitong Setyembre 17, 2024.

Ang pagmamanman sa baybayin ay isang mahalagang hakbang upang masiguro na ang komunidad sa tabi ng dagat ay protektado mula sa anumang posibleng panganib, tulad ng mga aksidente sa dagat, ilegal na pangingisda, at mga posibleng paglabag sa kapaligiran.

Sa pamamagitan ng presensya ng pulisya at BPATS, nabibigyan ng kumpiyansa ang mga residente at mangingisda na may proteksyon laban sa mga hindi inaasahang pangyayari. Bukod dito, ito rin ay nakakatulong sa pagpigil ng mga krimen at iba pang mga iligal na aktibidad na maaaring maganap sa mga baybayin.

Ang ganitong uri ng pagmamanman ay patuloy na isinasagawa upang mapalakas ang ugnayan ng kapulisan at komunidad at pagpapakita ng kanilang dedikasyon sa pagbibigay ng serbisyo pampubliko at pangangalaga sa kaligtasan ng bawat isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *