Faith-Based Volunteers, nakilahok sa Information Drive
Aktibong nakilahok ang mga Faith-Based volunteers sa isinagawang information drive tungkol sa Community Safety at Anti-Insurgency Awareness na ginanap sa Barangay Lucog, Tabuk City nito lamang ika-29 ng Setyembre 2024.
Ang nasabing aktibidad ay inisyatibo ng 1st Kalinga Provincial Mobile Force Company katuwang ang mga tauhan ng Tabuk City Police Station, 50th Infantry Battalion, 5ID of the Philippine Army, mga kabataan at mag-aaral ng nasabing lugar.
Sa talakayan, ibinahagi ng grupo ang mga kaalaman, impormasyon at kasanayan tungkol sa mga hakbang laban sa insurhensya, mga panganib at masamang epekto ng ilegal na droga at mga tips sa pag-iwas sa krimen.
Layunin ng aktibidad na ito na imulat ang komunidad sa iba’t ibang kritikal na isyu na nakakaapekto sa komunidad at upang labanan ang krimen at tiyakin ang isang mas ligtas na kapaligiran para sa lahat tungo sa maunlad at payapang Bagong Pilipinas.