KKDAT members, nagsagawa ng Tree Planting at Zumba Activity sa Bacnotan, La Union

Nagsagawa ng Tree Planting at Zumba Activity ang KKDAT Bacnotan sa Brgy. Maragayap, Bacnotan, La Union nito lamang Sabado, ika-18 ng Pebrero 2023.

Katuwang ng KKDAT Bacnotan sa nasabing aktibidad ay ang LGU Bacnotan, League of Barangay Secretaries, Barangay Officials ng Brgy. Maragayap, 18 na benepisyaryo ng Mass Wedding 2023, at Bacnotan PNP na pinapangunahan ni Police Major Felipe D. Ruiz, Chief of Police.

Layunin ng aktibidad na ipamalas ang kahalagahan ng pagtatanim at pag-iingat ng mga puno, pati na rin ang pagmamahal sa komunidad at kamalayan sa climate change.

Bukod dito, layunin din ng aktibidad na ipakita sa mamamayan na ang pagkakaroon ng magandang pangangatawan ay mahalaga upang hindi madaling tamaan ng kahit ano mang sakit.

Samantala, patuloy naman ang Bacnotan PNP kasama ang iba’t ibang organisasyon sa pagsasagawa ng mga aktibidad na may kinalaman sa pag-aalaga ng kalikasan at pagkakaroon ng magandang pangangatawan.

Source: Bacnotan Municipal Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *