PINTAKASI, isinagawa ng Force Multiplier at PNP sa Eastern Samar

Masayang isinagawa ang “PINTAKASI” ng mga Force Multiplier at 1st Eastern Samar Provincial Mobile Force Company sa Sitio Ipil, Brgy. Magongbong, Dolores, Eastern Samar noong Sabado, ika-18 ng Pebrero 2023.

“PINTAKASI” ay salitang waray na ibig sabihin ay bayanihan o Community Spirit at pagtutulungan ng mga tao sa isang komunidad.

Pinangunahan nina Hon. Maximo Wilson Cada, Brgy. Chairman at PLtCol Jonathan Momo, Force Commander ng 1st Eastern Samar Provincial Mobile Force Company kasama ang mga Force Multipliers, Advocacy Support Group at mga Brgy. Officials ang nasabing aktibidad.

Ang nasabing aktibidad ay isinagawa upang mapataas ang environmental awareness sa komunidad, partikular sa waste reduction at pamamahala ng basura at maayos na relasyon sa pagitan ng PNP at komunidad sa pagtulong sa isa’t isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *