KKDAT, aktibong nakiisa sa Clean-up Drive

Masugid na nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) sa isinagawang Clean-up Drive sa kahabaan ng Brgy. Masical, Baggao, Cagayan noong ika-18 ng Pebrero 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Nagtipunan Police Station at mga opisyales ng nabanggit na barangay.

Nagkaisa ang mga grupo sa pamumulot at paglilinis sa mga nakakalat at nakatambak na mga basura sa nasabing lugar.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong itaguyod ang halaga ng disiplina at kalinisan na magtataguyod ng kagandahan ng kapaligiran kaugnay ng PNP Core Values na “Makakalikasan” at Clean and Green CPPO Dream and I love Cagayan River.

Layunin nitong panatilihin ang kalinisan upang maiwasan ang mga sakuna na dulot ng maduming kapaligiran at hikayatin ang bawat isa na magkaroon ng disiplina sa sarili at maging responsable sa pagtatapon ng basura.

Source: Baggao PS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *