MBK-LC, nakiisa sa Feeding Program sa Enrile, Cagayan

Aktibong nakiisa ang My Brother’s Keeper-Life Coaches (MBK-LC) Enrile Chapter sa isinagawang feeding program sa Brgy. Lanna, Enrile, Cagayan nito lamang ika-21 ng Pebrero 2023.

30 na bata ang nabusog sa isinagawang feeding program ng grupo katuwang ang Enrile Police Station. Nais ipakita ng grupo na ang simbahan ay kaisa ng mga Kapulisan sa pagsulong ng kanilang mga programa na nagpapakita ng malasakit sa kapwa.

Ang pagtulong sa kapwa na ipinakita ng iba’t ibang sector ng lipunan ay patunay na ang malasakit ay nakatatak sa puso ng bawat Pilipino.

Source: Enrile Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *