BPATs sumailalim sa Training at Seminar ng Mt. Province PNP

Sumailalim sa seminar at training ang Barangay Peacekeeping Action Team (BPATS) ng Barangay Antadao, Sagada, Mountain Province nito lamang Pebrero 22, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng 4th Platoon 1st Provincial Mobile Force Company sa ilalim ng liderato ni Police Captain Dexter D Ramirez, Platoon leader, katuwang ang Sagada PNP at barangay officials ng nasabing barangay.

Tinalakay at nagbigay kaalaman ang mga naturang grupo sa BPATs Traffic Direction, BPATs Patrolling, Principle of Interpersonal Communication, Gender Awareness and Sensitivity, BPATs First Responder, Arresting Techniques, at Basic Arnis.

Ang aktibidad ay naglalayong mapalawak at mapagtibay ang kaalaman at kakayahan ng mga BPATs para mas maging epektibo at mas magampanan pa ang kanilang mga tungkulin bilang kaagapay ng kapulisan sa pagpapanatili ng kaayusan sa kanilang mga nasasakupan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *