5th Rural Improvement Club Day Celebration, idinaos sa Davao City
Idinaos ang 5th Rural Improvement Club (RIC) Day Celebration ng Paquibato District kasama ang Revitalized-Pulis sa Barangay (R-PSB) Team Paquibato Sub-Cluster 1 and 4 sa Purok 1 Centro, Brgy. Lumiad, Paquibato District, Davao City nito lamang Pebrero 22, 2023.
Dinaluhan ito ng iba’t ibang mga opisyales ng lokal na pamahalaan ng nasabing distrito na binubuo ng 13 Barangay sa panguguna ni Ms. Vilma Delejero, RIC President kasama ang Barangay Councils, Functionaries at mga Barangay Tanod sa panguguna ni Mr. Arnold C Reyes.
Nagpamalas at nagpasiklab naman ang bawat barangay ng kani-kanilang produkto na ipinagmamalaki gaya ng mga pinya, mangosteen, pomelo, marang, lansones at ang pinaka hindi mawawala sa listahan na durian.
Mapayapa at ligtas na naisagawa ang nasabing aktibidad sa tulong ng R-PSB sa pamumuno ni Police Master Sergeant Jay A Gonzaga, Team Leader na nagbigay seguridad sa nasabing selebrasyon.
Ang aktibidad ay naglalayong mapabuti ang kalakaran ng produksyon at maipakita hindi lamang sa kanilang komunidad kundi maging sa buong bansa ang kahalagahan ng
kanilang produkto pagdating sa pagkaing natural na nakapagbibigay sustansya at ligtas na pagkain para sa mga mamimili.