Clean-up Drive isinagawa sa Casiguran, Aurora

Nagtulungan ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa paglilinis ng kapaligiran sa Brgy. Marikit, Casiguran, Aurora nito lamang Huwebes, ika-23 ng Pebrero 2023.

Kasama sa aktibidad ang mga miyembro ng Kaligkasan Advocacy Support Group, Bureau of Fire Protection, Casiguran Women Federation, Tourism Office, Aurora PNP at mga opisyal ng naturang barangay.

Matagumpay na nalinis ng grupo ang lugar kung saan namulot sila ng mga plastik na nakakalat sa gilid ng kalsada.

Layunin ng aktibidad na mapangalagaan ang kalikasan at mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *