Ronda Probinsya isinagawa ng Sarangani LGU

Nagsagawa ng Ronda Probinsya ang Lokal na Pamahalaan ng Sarangani Province sa Barangay Datal Bila, Malungon, Sarangani Province nito lamang ika-28 ng Pebrero 2023.

Pinangunahan ito ni Hon. Rogelio Pacquiao, Gobernador ng Sarangani Province katuwang ang mga tauhan ng Sarangani LGU at Sarangani PNP.

Namahagi ng mga foodpacks, libreng gamot at bitamina kasabay ng libreng check-up sa mahigit na 150 katao na benepisyaryo ng naturang aktibidad.

Ang aktibidad na ito ay nagpapatunay lamang sa matatag na relasyon ng pamahalaan at komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *