Barangay Functionaries at BPATs, nakiisa sa ikinasang Lecture sa RA 4136 sa Tagum City
Nakiisa ang Barangay Functionaries at Barangay Peace-keeping Action Team sa lecture na isinagawa ng Tagum City Police Station sa Barangay Apokon, Tagum City, Davao del Norte noong Agosto 22, 2026.
Pinangunahan ni PLT ANGELITO E. DE GALA, Traffic Officer ng Tagum CPS, sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni PLTCOL EDGARDO G. BAHAN, Acting Chief of Police (ACOP), ang talakayan hinggil sa Republic Act No. 4136 o “Land Transportation and Traffic Code,” gayundin sa mga traffic signs at karaniwang paglabag sa batas trapiko.
Tinalakay sa lecture ang wastong interpretasyon at pagsunod sa mga traffic signs, signal, road markings, at iba pang traffic control devices.
Binigyang-diin din ang mga responsibilidad ng mga motorista at iba pang road users upang mapanatili ang kaligtasan sa mga pampublikong kalsada. Ipinaliwanag din sa mga kalahok ang mga karaniwang traffic violations at ang posibleng mga kahihinatnan ng hindi pagsunod sa umiiral na mga batas at regulasyon sa trapiko.
Kasabay nito, binigyang-halaga ang responsableng pagmamaneho, disiplina sa kalsada, paggalang at pag-iingat sa pagitan ng mga motorista at pedestrian, at mahigpit na pagsunod sa mga alituntunin sa trapiko.
Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman at pang-unawa ng mga Barangay Functionaries at BPAT members sa RA 4136 at mapalakas ang kanilang kamalayan sa mga alituntunin sa trapiko. Hinikayat din silang maging katuwang sa mga programa para sa road safety at maibahagi sa mga residente ng kanilang barangay ang mga kaalamang kanilang natutuhan upang makatulong sa pag-iwas sa mga aksidente at iba pang insidenteng may kaugnayan sa trapiko.