Advocacy Support Groups at Monreal PNP, nagsagawa ng Feeding Program Activity

Monreal, Masbate – Nagsagawa ng Feeding Program Activity ang Advocacy Support Groups kasama ang Monreal PNP sa Barangay Poblacion, Monreal Masbate nito lamang Lunes ika -13 ng Marso 2023.

Ang aktibidad ay inisyatibo ng mga miyembro ng Faith-based Volunteers, Eagles Club, Alpha Kappa Rho, Tau Gamma Phi, Magic 5 Monreal Chapter, at Monreal PNP.

Naging benepisyaryo sa programa ang mga kabataan sa naturang barangay na labis ang naging tuwa sa inihandang masustansyang pagkain.

Layunin ng programa na ipadama ang malasakit ng pamahalaan at ng iba’t ibang organisyasyon sa pamamagitan ng paghatid ng mga pangunahing serbisyo sa mamamayan lalo na sa higit na nangangailanagan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *