PNP Aviation Security Group, nagsagawa ng outreach program sa Moonwalk Day Care Center

0
Screenshot-2026-08-01-140300

Nagsagawa ng outreach program ang Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group, katuwang ang The Vine’s Church sa pangunguna ni Bishop Paulo G. Montano at mga opisyal ng Barangay Moonwalk, sa Moonwalk Day Care Center noong Hulyo 30, 2026.

Namahagi ang grupo ng mga school supplies at food packs sa mga batang mag-aaral ng day care center bilang bahagi ng patuloy nitong pagsasagawa ng mga programang pangkomunidad at pagpapalakas ng ugnayan sa mga mamamayan.

Layunin ng aktibidad na makatulong sa mga batang benepisyaryo at maipakita ang patuloy na malasakit at suporta ng PNP Aviation Security Group sa komunidad, lalo na sa mga kabataang nangangailangan ng tulong at pagkalinga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *