Polangui MPS, patuloy ang pakikipagtulungan sa BPATs para sa kapayapaan at kaayusan

0
Screenshot-2026-08-01-141215

Patuloy na pinagtitibay ng Polangui Municipal Police Station ang ugnayan nito sa Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) upang mapanatili ang kapayapaan, seguridad, at kaayusan sa mga barangay ng bayan.

Noong gabi ng Hulyo 31, 2026, personal na binisita at kinamusta ng mga tauhan ng Polangui Municipal Police Station ang mga BPATs na nakatalaga sa kanilang mga duty posts. Layunin ng aktibidad na matiyak ang maayos na koordinasyon sa pagitan ng pulisya at mga katuwang na force multipliers, gayundin ang patuloy na pagpapalakas ng seguridad sa mga komunidad.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang Polangui MPS sa mga BPATs sa kanilang walang sawang paglilingkod at pagbabantay para sa kaligtasan ng mga mamamayan. Binigyang-diin din ng pulisya ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos at pagtutulungan upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa bayan.

“Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *