Launching of Project AGAPE, nilahukan ng mga Life Coaches ng Tacloban City

Tacloban City – Matagumpay na inilunsad ang Project AGAPE (Altering Gap and Personal Experiences) na nilahukan ng Life Coaches na naganap sa Tacloban City Night High School Social Hall nito lamang Hunyo 11, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan nina Mr. Nilo M. Eder, DLC VII Life Coach at Mrs. Juliet L. Lim, EPS for ESP katuwang ang mga guro at mag-aaral ng Tacloban City Night High School.

Nakilahok din ang mga tauhan ng Tacloban City Police Office sa pangunguna ni PEMS Abdulmain G Haliluddin, CAD PNCO sa ilalim ng pangangasiwa ni PCol Michael P Paermo, City Director.

Labis naman ang pasasalamat ng mga guro sa mga nakilahok sa nasabing aktibidad.

Ang naturang aktibidad ay sumasalamin lamang sa mabilis at konkretong aksyon ng nasabing grupo para sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan tungo sa maunlad na bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *