Simultaneous Community Outreach Program, nilahukan ng Advocacy Support Groups
San Juan City — Aktibong nilahukan ng mga miyembro ng Advocacy Support Groups ang isinagawang Simultaneous Community Outreach Program ng San Juan CPS sa 2nd floor, Barangay Kabayanan Hall, San Juan City nito lamang Lunes, Hunyo 12, 2023.
Ang naturang aktibidad ay alinsunod sa paggunita sa Ika-125 taong pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa ating bansa at naisakatuparan dahil sa aktibong partisipasyon ng KKDAT San Juan Chapter, Force Multipliers, Faith Based NGO’s, Stakeholders at LGU San Juan, katuwang ang mga tauhan ng San Juan City Police Station sa pangunguna ni Police Colonel Francis Allan M Reglos, Chief of Police.
May kabuuang 120 na benepisyaryo ang nakinabang sa ipinamahaging food packs at bukod dito nagkaroon din ng libreng gupit, libreng Optical Check-up/Eye Glasses, BP Monitoring, libreng pagkain, libreng mainit na kape/tsokolate, at mga bitamina at gamot.
Ito ay naglalayon na palakasin ang ugnayan ng bawat miyembro ng lipunanan upang makapagbigay ng mas mahusay na pampublikong serbisyo sa komunidad, at mas makatulong pa sa mga nangangailangan.