SWIM, isinagawa ng Life Coaches sa San Juan City

Nagsagawa ng Squad Weekly Interactive Meeting (SWIM) o Sunday Praise and Worship ang mga Life Coaches ng San Juan na ginanap sa San Juan Baptist Church, # 11 Katubusan, Brgy Progreso, San Juan City nito lamang Linggo, Hunyo 18, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan nina Pastor Nonoy Capaque (A.P.O.I. Life Coach), Pastor Rudy De Jesus (SJBC) na pinangasiwaan ng Association of Pastors for Outreach and Intercession sa pamumuno ni Pastor Rodolfo Rona, Tagapangulo, A.P.O.I. kasama ang mga tauhan ng San Juan City Police Station sa pamumuno ni Police Colonel Francis Allan M Reglos, Chief of Police ng naturang istasyon.

Ang aktibidad ay bahagi ng Best Practice ng grupo na makatulong sa mga kapulisan at ng komunidad sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga mensahe ng Diyos at maging ang pagiging isang mabuting mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *