Clean-up Drive nilahukan ng Force Multipliers ng Muntinlupa City

Muntinlupa City- Aktibong nakiisa at lumahok ang mga miyembro ng Force Multipliers sa isinagawang Clean-up Drive na ginanap sa A. Bunye, Muntinlupa City nito lamang Biyernes, Hunyo 16, 2023.

Pinangunahan ni Mrs. Menchie Sales, Environmental Head, Brgy. Sucat at ni Ms. Cristina Cruz, Environmental Head Brgy. Bagumbayan, Taguig City ang aktibidad katuwang ang mga tauhan ng Battalion Community Affairs Section ng RMFB.

Layon ng aktibidad na na isulong ang kalinisan sa kapaligiran lalo na sa mga daluyan ng tubig upang mapuksa ang mga insekto at mga mikrobyong nagdudulot ng sakit at maiwasan na rin ang pagbaha dulot ng naimbak na mga basura.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *