Advocacy Support Groups sa Bayan ng Peñablanca Cagayan, nakiisa sa Tree Planting Activity
Nakiisa ang mga aktibong lider at mga miyembro ng Advocacy Support Group Peñablanca Chapter sa Tree Planting Activity ang na ginanap noong Hunyo 24,2023 sa Barangay Quibal Peñablanca Cagayan.
Nakapagtanim ang grupo ng 200 na narra tree sa nabanggit na lugar.
Kabilang sa mga grupong nakiisa ang LGBTQ, Kabataan Kontra Droga at Terorismo at Barangay Based Group, FTP Class Masandagan at Simbagsi ng Peñablanca Police Station, kataguyod ang mga empleyado ng Lokal na Pamahalaan ng Peñablanca Cagayan.
Ang aktibidad ay bilang suporta sa programang Project N.A.R.E.N.U o Nurturing And Restoring the Environment for the Next United Generation bilang pagpapakita ng makakalikasan.
Layunin nito na imulat ang mamamayan sa kahalagahan ng pag aalaga sa kalikasan.
Source:Penablanca PS