Community Outreach Program, isinagawa ng Faith-Based Group sa NegOr

Negros Oriental — Nagsagawa ang mga miyembro ng Faith-Based Group ng Community Outreach Program sa Barangay Poblacion District I at Barangay Bulak Dauin, Negros Oriental nito lamang ika-2 ng Hulyo 2023.

Ang naturang aktibidad ay alinsunod sa programang Basket of Foods Ministry of New Bible Baptist Church na pinangunahan ni Pastor Kenneth Albances katuwang ang mga tauhan ng Dauin MPS sa pangangasiwa ni ni Police Major Saturnino F Sedigo Jr, Officer-In-Charge.

May kabuuang 50 na benepisyaryo ang nabahagian ng food packs na naglalaman ng bigas, tinapay, noodles at mga delata.

Dahil sa pagtutulungan ng Faith-Based Group at PNP ay mas lalong napadama ang tunay na malasakit sa kapwa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *