Advocacy Support Group, nagsagawa ng Community Outreach Program sa Sta. Teresita, Cagayan

Nagsagawa ng Community Outreach Program ang Task Force Kasanag Inc., na ginanap sa Poblacion 1, Sta. Teresita, Cagayan noong ika-2 ng Hulyo 2023.

Naging matagumpay ang naturang aktibidad sa pagsasagawa ng feeding program katuwang ang kapulisan ng Sta. Teresita, Cagayan.

Bakas ang ngiti at tuwa ng mga bata na pumipila sa feeding program na hatid ng grupo sa kanilang lugar.

Ang aktibidad ay may layuning paigtingin ang ugnayan at suporta ng mga stakeholders sa komunidad kasama ang kapulisan upang makapag-abot ng tulong sa mamamayan.

Source: Sta. Teresita Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *