Coastal Clean-up Drive, pinangunahan ng Advocacy Support Groups sa Aparri, Cagayan

Pinangunahan ng mga kasapi ng Advocacy Support Groups ang pagsasagawa ng Coastal Clean-up Drive sa baybayin ng Brgy. San Antonio, Aparri,Cagayan nito lamang Sabado Hulyo 1, 2023.

Aktibong nakibahagi sa paglilinis ang mga Kabataan Kontra Droga at Terorismo, mga miyembro ng Baybay Ku Dalus Ku (BKDK), Calayan PNP, Philippine Coast Guard, Maritime Group, barangay officials at mga residente ng nasabing barangay.

Ang nasabing aktibidad ay isang paraan ng pagtuturo sa mga tao na lumikha ng mga posibleng solusyon sa matagal nang problema sa solid waste at basura sa ating mga lokal na lugar sa pamamagitan ng pag-alis ng mga basura sa mga baybayin at daluyan ng tubig.

Layunin nito na mapaabot sa publiko ang kahalagahan ng paglilinis sa paligid at tamang pagtapon ng mga basura na nakasasama sa yamang-dagat at kalusugan ng tao.

Source: Aparri PS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *