Kagamitang Pang-eskwela, handog ng Rotary Club sa Sarangani Province

Namahagi ng mga kagamitang pang-eskwela ang Rotary Club katuwang ang mga tauhan ng Sarangani Police Provincial Office, at Sarangani LGU sa mga residenteng mag-aaral ng Rotary Village, Barangay Bagacay, Alabel Sarangani Province nitong ika-2 ng Hunyo, 2023.

Pinangunahan ng Rotary Club ng Sarangani ang aktibidad kasama ang Lokal na Pamahalaan, at mga Force Multipliers. Nakiisa din si Police Colonel Nicomedes P Olaivar Jr., Provincial Director sa nasabing pamamahagi.

Mahigit 150 na residente ang naging benepisyaryo na napamahagian ng libreng gamit pang-eskwela, tsinelas at mga hygiene kit. Natuwa naman ang mga kabataan sa mga gamit na inihandog sa kanila dahil ito ay kanilang mapapakinabangan.

Ang mga ganitong aktibidad ang nagpapatunay na malakas ang ugnayan ng mamamayan, lokal na pamahalaan at ng kapulisan upang mapanatili ang progresibo, mapayapa at maayos na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *