National Disaster Resilience Month 2023, matagumpay na inilunsad sa Cebu
Cebu – Matagumpay na nailunsad ng mga miyembro ng DRRMO Lilo-an ang National Disaster Resilience Month 2023 na may temang “BIDAng Filipino: Building a Stronger Filipino Well-being towards Disaster Resilience” sa Liloan Cebu nito lamang umaga ng Sabado, ika-1 ng Hulyo 2023.
Pinasimulan ni Atty. Hammurabi G. Bugtai ang naturang aktibidad na dinaluhan ng Lilo-an Police Station sa pangunguna ni Police Major Eric C Gingoyon, Chief of Police; RPCADU 7 sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Leoncio B Baliguat Jr, Acting Chief ; at The Fraternal Order of Eagles.
Lumahok din ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection, miyembro ng NGOs, Barangay Officials at iba pang ahensya ng pamahalaan.
Naging tampok sa pagdiriwang ng naturang aktibidad ang SCUBAsurero kung saan nakalikom ang mga kalahok ng sako-sakong basura mula sa dalampasigan at ilalim ng karagatan na naglalayong maipatupad at isulong ang pagbabago ng pag-uugali tungo sa sustainable development.