Coastal Clean-up Drive, nilahukan ng KKDAT at Force Multipliers sa Northern Samar

Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng KKDAT at Force Multipliers sa isinagawang Coastal Clean-up Drive sa Boulevard, Brgy Urdaneta, Lavezares, Northern Samar nito lamang Biyernes ika-14 ng Hulyo 2023.

Kasama sa nakilahok sa aktibidad ang Guardians Lavezares, AKRHO, TAU GAMMA, 804th Maneuver Company at Lavezares MPS.

Ito ay inisyatiba ng Municipal Environment and Natural Resources Office Northern Samar at parte rin ng KASIMBAYANAN Plans and Programs.

Ang naturang aktibidad ay pinalakas sa pakikipagtulungan ng pulisya, iba pang lokal na ahensya at komunidad sa pagkamit ng iisang layunin sa pagpapataas ng kamalayan sa kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *