Information Drive nilahukan ng Barangay Based Advocacy Group sa Las Piñas City
Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Barangay Based Advocacy Group sa isinagawang Information Drive na ginanap sa sa Samatiera Compound, Barangay Almanza Uno, Las Piñas City nito lamang Lunes, Hulyo 17, 2023.
Tinalakay sa naturang aktibidad ang tungkol sa R.A 11313 o “Anti-Bastos Law”; R.A 9262 o “Violence Against Women and their Children” (VAWC) at mga parusa sa ilalim ng batas na ito, at Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 bilang suporta sa programang Buhay Ingatan Droga Ayawan (B.I.D.A) ni DILG Secretary Benjamin Abalos Jr. laban sa ilegal na Droga.
Naisagawa ang programang ito sa pangunguna ng mga tauhan ng Station Community affairs Section ng Las Piñas City Police Station sa pamumuno ni Police Colonel Jaime O Santos, Chief of Police ng istasyon. Ang aktibidad na ito ay naglalayong magbigay ng mga serbisyo sa komunidad at bumuo ng isang magandang relasyon sa pagitan ng komunidad at sa Pulis tungo sa isang mapayapa, at progresibong lugar na tirahan.