Force Multipliers nagsagawa ng Livelihood Program sa Parañaque City

Nagsagawa ang mga miyembro ng Force Multipliers ng Livelihood Program na ginanap sa Valley 15, Barangay San Isidro, Parañaque City nito lamang Martes, Hunyo 18, 2023.

Naisakatuparan ang nasabing programa sa pangunguna ng TESDA at Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) katuwang ang mga tauhan ng Parañaque City Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Renato B Ocampo, Chief of Police.

Tinuruan ang mga residente ng barangay sa paggawa ng pabango at uling na patok sa pangnegosyo. Laking pasalamat naman ng mga benepisyaryo sa kaalamang hatid ng grupo na malaking bagay upang magkaroon sila ng pagkakakitaan at extra income.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *