Pulong-pulong kontra kriminalidad nilahukan ng Force Multipliers sa Parañaque City


Nilahukan ng mga Force Multipliers ang isinagawang pagpupulong-pulong kontra kriminalidad na ginanap sa PCJ F. Cruz St. Phase 3 Lagoon, Barangay BF Homes, Parañaque City nito lamang Linggo, ika-16 ng Hulyo 2023.
Ang naturang aktibidad pinangunahan ng Community Force for Common Good Incorporation (CFCGI) BF Chapter sa pangunguna ni Pres. Antonio M. Ferrer kasama ang Revitalized Pulis sa Barangay ng Parañaque City.
Tinalakay ng pulisya ang mga tips para maiwasan ang anumang uri ng krimen sa kanilang barangay upang matiyak ang mas ligtas na lugar na matitirahan, mapagtatrabahuan, at mas umunlad pa ang ekonomiya. Layunin ng aktibidad na palakasin pa lalo ang ugnayan ng mamamayan at pulisya upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa ating bayan.