Clean-Up Drive Activity, isinagawa ng Advocacy Support Groups sa Tagudin Ilocos Sur

Pinangunahan ng mga miyembro ng Advocacy Support Group, Barangay Officials, OMSWD, MENRO, MDRRMO, BFB, BJMP, at 103rd ISPMFC ang Clean-up Drive Activity sa Brgy. Libtong, Tagudin, Ilocos Sur nito lamang ika-21 ng Hulyo 2023.

Katuwang ng grupo sa nasabing aktibidad ay ang Tagudin Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Omar M David, Officer-in-Charge. Ang naturang aktibidad ay patunay lamang na ang iba’t ibang organisasyon ay patuloy na nakikiisa sa ating kapulisan upang mapanatili ang sigla at kalinisan ng ating kapaligiran.

Patuloy naman ang grupo na palalahanan ang mamamayan na pangalagaan at protektahan ang kalikasan upang mapanatili ang kalinisan, kagandahan at kaayusan ng ating kapaligiran. Source: Tagudin, Municipal Police Station, Ilocos Sur

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *