Tree Planting Activity, aktibong nilahukan ng Advocacy Support Group

Aktibong nakilahok ang mga miyembro advocacy support group sa Tree Planting Activity na ginanap sa Mt. Tag-ao, Brgy Aglalana, Dumarao, Capiz nito lamang ika-25 ng Hulyo 2023.

Pinangunahan ng 2nd Capiz Provincial Mobile Force Company ang aktibidad katuwang ang Department of Environment and Natural Resources-Region 6, Pastor Ernesto Santiago, Pastor Gemma F Foscablo at Brgy. Official’s ng nasabing lugar.

Mahigit sa walumput lima (85) na namumungang puno ang matagumpay na naitanim sa nasabing lugar.

Patuloy ang Capiz PNP katuwang ang ibang ahensya ng gobyerno sa pagproprotekta at pangangalaga ng kalikasan upang mapanatili ang kagandahan at kaayusan nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *