Clean-Up Drive Activity, isinagawa sa Tacurong City

Pinangunahan ng mga miyembro ng Advocacy Support Groups, KKDAT, Makasining Lahi ng Tacurong (LGBTQ), Faith Based Advocacy Support Group, Sultan Kudarat PNP at iba pang volunteers ang Clean-up Drive Activity sa Purok 11, Brgy. Poblacion, Tacurong City, Sultan Kudarat nito lamang Martes, Agosto 8, 2023.

Nagtulong-tulong ang mga nasabing grupo na linisin ang mga kanal at pinutol ang mga matatayog na damo sa naturang lugar. Umabot naman sa mahigit 30 na sako ng basura ang nakolekta sa ginawang aktibidad.

Kaugnay rito pinaalalahanan naman ng grupo ang mga residente ng Brgy. Poblacion na pangalagaan at protektahan ang kalikasan upang mapanatili ang kalinisan, kagandahan at kaayusan ng komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *