PDLs, binisita at tinulungan ng isang pamilya sa South Cotabato

South Cotabato ā€“ Binisita at nag-abot ng tulong ang isang pamilya sa bayan ng Banga, South Cotabato sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa Banga Municipal Police Station nito lamang ika-10 ng Agosto 2023.

Malugod na tinanggap at pinasalamatan ni PLtCol Emerson D Policarpio, Hepe ng Banga MPS ang ginawang pagbisita at pagbibigay malasakit ng pamilya nila Mr. and Mrs. Vladimir at Leslie Lubataon Ceasar sa mga naturang PDLs.

Taos pusong pasasalamat naman ang tugon ng mga PDL na nakatanggap ng libreng pagkain mula sa nasabing pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *