Community Outreach Program, isinagawa ng Force Multipliers, isinagawa sa Ormoc City

Matagumpay na isinagawa ng mga Force Multipliers ang Community Outreach Program na ginanap sa Brgy. Sto. Niño, Ormoc City nito lamang Biyernes ika-11 ng Agosto 2023.

Ang nasabing aktibidad ay inisyatiba ng Kiwanis Club of Digital Innovators kasama ang miyembro ng Circle K International, mga tauhan ng Ormoc City Police Office, Police Station 1 at Police Trainees, OCPO Community Affairs and Development Unit, Brgy. Officials at BHWs ng nasabing barangay.

Ang nasabing aktibidad ay nagkaroon ng libreng pagkain, tsinelas, medicine kit at gamot para sa mga benipisyaryo.

Lubos naman na ikinatuwa ng mga residente ang kanilang mga natanggap at nagpapasalamat sa mga ahensya ng pamahalaan na tumulong sa aktibidad.

Patuloy na maglilingkod at magpapaabot ng tulong ang nasabing grupo sa mga mamamayan bilang pagpapakita ng malasakit sa kapwa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *