Community Outreach Program, nilahukan ng Faith-Based Leaders sa Leyte

Calubian, Leyte – Nakilahok ang mga Faith-based Leaders sa isinagawang Community Outreach Program na ginanap sa Brgy. Ferdinand E. Marcos, Calubian, Leyte nito lamang Agosto 27, 2023.

Ang aktibidad ay nilahukan ng Faith-Based Leaders kasama ang mga tauhan ng Regional Public Information Office and Regional Community Affairs and Development Division katuwang ang Local Government Unit at residente ng nasabing lugar.

May kabuuang limampung kabataan ang nakatanggap ng mga gamit sa paaralan at meal packs.

Patuloy na magpapaabot ng serbisyo ang nasabing grupo sa mga lubos na nangangailangan katuwang ang mga stakeholders bilang pagpapakita ng pagkakaisa at pagkakaroon ng matatag na ugnayan sa lipunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *