KASIMBAYANAN Weekly Interactive Meeting (KWIM) isinagawa sa San Juan City

Nagsagawa ng KASIMBAYANAN Weekly Interactive Meeting (KWIM) Sunday Praise and Worship ang mga Life Coaches na ginanap sa San Juan Bethel Assembly of God Inc., Brgy. San Perfecto, San Juan City nito lamang Linggo, Setyembre 3, 2023.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Pastor Kyx Jardiolin Miranda Jr., Head Pastor , San Juan Bethel AG at mga kawani at manggagawa ng simbahan kasama ang Association of Pastors for Outreach and Intercession sa pangunguna ni Pastor Rodolfo Rona, Chairman, APOI at ang mga tauhan ng San Juan City Police Station.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong iangat ang moral at ispiritwal na kapakanan ng Pulis at ng bawat indibidwal sa tulong ng isang faith-based na organisasyon alinsunod sa Chief PNP 5-Focused Agenda na personnel morale at welfare na naglalayong itaas ang moral ng bawat isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *