Force Multipliers, nakiisa sa Coastal Clean-up Drive sa Northern Samar

Nakiisa ang mga Force Multipliers sa isinagawang Coastal Clean-up Drive sa dalampasigan ng Brgy. Dalakit, Catarman, Northern Samar nito lamang Huwebes ng umaga ika-7 ng Setyembre 2023.

Ang aktibidad ay nilahukan ng DILG-Northern Samar, iba’t ibang ahensya ng gobyerno, mga Force Multipliers at residente ng nasabing lugar.

Tulong-tulong sa paglilinis ang isinagawa ng naturang mga grupo at sako sakong mga basura ang nakolekta mula sa dalampasigan.

Layunin ng aktibidad na panatilihin ang kagandahan at kalinisan ng karagatan na pinagkukunan ng hanap buhay ng mga residente ng naturang barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *