Force Multipliers, nakiisa sa Tree Planting Activity

Bohol – Nakiisa sa isinagawang Tree Planting Activity ang mga miyembro ng Force Multipliers sa Brgy. Sikatuna, Talibon, Bohol nito lamang ika-7 ng Setyembre 2023.

Naging katuwang sa nasabing aktibidad ang Talibon Police Station sa pangunguna ni Police Captain Amelito Melendres Melloria, Chief of Police, Garcia Memorial Provincial Hospital (GMPH) sa pamumuno ni Dr. Miguelito S. Jayoma, Chief of Hospital, DENR sa pangunguna ni Gelacio Evardo at Enrolled Plea Bargainers ng CEDEC.

Nasa humigit kumulang 100 fruit bearing trees ang matagumpay na naitanim ng mga kalahok sa naturang lugar.

Layunin ng mga naturang grupo na muling mapayabong ang kapaligiran at mapanatili ang kagandahan ng ating kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *