Unity Walk, Inter-Faith Prayer Rally, Integrity Pledge and Peace Covenant Signing para sa BSKE 2023, isinagawa sa Gerona, Tarlac

Nagkaisa ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at pamayanan sa isinagawang Unity Walk, Inter-Faith Prayer Rally, Integrity Pledge and Peace Covenant Signing para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023 sa bayan ng Tarlac nito lamang Martes, ika-3 ng Oktubre 2023.

Dinaluhan ito ng mga tauhan ng Commission on Elections (COMELEC), Philippine National Police, Philippine Army, Local Government Unit, mga miyembro ng Religious Sector at mga tatakbong kandidato. Sama-sama naglakad, nagdasal at lumagda sa Peace Covenant bilang tanda ng kanilang pakikiisa sa pagpapanatili ng maayos at payapang halalan.

Layunin ng aktibidad na masiguro ang kaayusan at kapayapaan ngayong nalalapit na pagpili ng mga bagong opisyales ng Barangay at Sanggauniang Kabataan Elections 2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *