Force Multipliers nakiisa sa Clean-Up Drive at Tree Planting Activity sa Limay, Bataan

Nakiisa ang mga miyembro ng Force Multipliers sa isinagawang Clean-Up Drive at Tree Planting Activity sa St. Francis II National High School, Limay, Bataan nito lamang Biyernes, ika-6 ng Oktubre 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Limay Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Dennis B Duran, Chief of Police.

Nagtulungan ang pulisya at Force Multipliers sa paglilinis at pagtatanim ng mga puno sa paligid ng paaralan upang magsilbing lilim para sa mga mag-aaral.

Patuloy ang mga miyembro ng Force Multipliers sa pagsuporta sa iba’t ibang programa ng pulisya lalo na sa pagpapanatili ng kagandahan ng kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *