Pagkakabit ng Solar Lights, isinagawa ng R-PSB Cabanglasan

Nagtulong-tulong ang mga miyembro ng Barangay at Revitalized Pulis sa Barangay Cabanglasan sa pagkakabit ng solar lights sa Barangay Mauswagon, Cabanglasan, Bukidnon nito lamang tanghali ng Sabado, Oktubre 7, 2023.

Pinangunahan ni Police Chief Master Sergeant Jonas A Yabo, Team Leader, R-PSB Cabanglasan. Ito ay bahagi ng Quick Impact Project ng R-PSB na naglalayon na maipabot ang tulong sa mamamayan sa pamamagitan ng Need Assessment Survey at malaman ang pangunahing problema sa kanilang lugar.

Labis naman ang pasasalamat ng mga naturang residente dahil sa alternatibong solusyon dala ng R-PSB sa pamamagitan ng pagkakabit ng solar lights.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *