Youth Disaster Resiliency Camp 2023, isinagawa sa Mountain Province
Matagumpay na naisagawa ang tatlong araw na Municipal Youth Resiliency Camp 2023 sa Saint James High School, Besao, Mountain Province nito lamang Oktubre 5-7, 2023.
Ang aktibidad ay pinasimulan ng Sanguniang Kabataan Federation na pinangasiwaan naman ng pinagsamang mga tauhan ng Pambansang Pulisya, Bureau of Fire and Protection, Bureau of Jail Management and Penology, Municipal Health Office at Municipal Disaster Risk Reduction Management Office.
Ito ay binansagang WEMBOREE na may temang “Changing the mindset from me to we.” na nilhukan ng higit kumulang na 50 kabataan mula sa iba’t ibang barangay ng Besao.
Tampok sa mga aktibidad ang rappelling, basic life support, firefighting, vehicle extrication, flying fox at commando crawl kung saan masayang nagperform ang mga kalahok.
Layunin ng aktibidad na hasain ang mg mga kakayahan ng mga kabataan na maging handa at matatag bilang paghahanda sa anumang sakuna.