Faith Based nakiisa sa Community Outreach Program sa Mayantoc, Tarlac

Nakiisa ang mga miyembro ng Faith Based Advocacy Support Group sa isinagawang Community Outreach Program para sa mga mag-aaral ng Gayong-Gayong Elementary School, Barangay Gayong-Gayong, Mayantoc, Tarlac nito lamang Lunes, ika-16 ng Oktubre 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Mayantoc Municipal Police Station kasama ang Local Government Unit , Kabataan Kontra Droga at Terorismo at mga opisyal ng barangay.

Sa aktibidad ay nagkaroon ng pamimigay ng mga libreng school supplies, gift-giving at feeding program sa 70 na mag-aaral ng naturang paaralan.

Layunin ng aktibidad na makapaghatid ng tulong at saya sa mga mag-aaral upang maging aktibo at produktibo tungo sa pag-unlad ng ating pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *